Suplay ng kuryente sa NCotabato pinababawasan para sa halalan
MANILA, Philippines – Ang pagtitipid na ginagawa ng mga state-owned electricity generators para matiyak na sapat ang kuryente sa halalan sa Mayo ang dahilan ng malawakang brownout na nararanasan sa Mindanao na nagsimula nitong unang linggo ng Marso.
Sinabi ni Omar Pacilan, tagapagsalita ng the National Power Corporation-Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (NPC-PSALM), mismong sa Commission on Elections (Comelec) nagmula ang utos na magtipid ng kuryente para sa halalan sa Mayo 2013.
Inamin ni Pacilan sa isang panayam sa radyo na nabawasan ang kuryenteng ipinapamahagi sa mga electric cooperatives at iba pang kompanya kabilang ang Cotabato Electric Cooperative (Cotelco).
Mayroong 98,000 na consumer ang Cotelco sa North Cotabato.
Sinabi ni Vicente Baguio, tagapagsalita ng Cotelco, na pagpasok ng buwan ng Marso ay inabisuhan ang Cotelco na magpamahagi ng suplay ng kuryente na aabot lamang sa siyam na megawatts (MW) kada araw.
Mababa ang naturang suplay na inilalaan ng Cotelco dahil sa peak hours ay umaabot sa 28-32 MW ang kailangan na kuryente sa North Cotabato.
“This is the reason why we, in North Cotabato, are again experiencing long brownouts daily,†ani Baguio.
Aabot sa 1,150 MW hanggang 1,200 MW ang kailangan na kuryente sa buong Mindanao sabi ni Pacilan, ngunit dahil sa utos sa kanila ay tanging 940MW to 950MW lamang ang naikakarga sa kanilang mga planta.
- Latest
- Trending