Hackers umatake sa website ni PNoy
MANILA, Philippines – Inatake ng grupo ng mga hackers ang opisyal na website ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Huwebes ng madaling araw.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, bandang 1:30 ng umaga nila napansin ang ginawang pangha-hack sa website na, 1.president.gov.ph.
"An errant sentence critical of the government on the Sabah issue was found to have been inserted in one of the news items within the website," ani Coloma.
Sinabi ng grupong Anonymous Philippines na hinack nila ang website ng Pangulo dahil sa umano'y hindi maayos na paghawak sa isyu sa Sabah, kung saan may 60 armadong miyembro ng Sultanato ng Sulu na ang napapaslang.
Naglagay ng mensahe ang grupo para kay Pangulong Aquino sa sarili niyang website.
"Greetings, President Aquino! We have watched how you signed into law a bill that endangers and tramples upon the netizens' freedom of speech and expression. Now, we are silent witnesses as to how you are mishandling the Sabah issue. We did not engage the Malaysian hackers who invaded our cyberspace since we expected you to appropriately and judiciously act on the same, but you failed us," ayon sa Anonymous Philippines.
Dismayado ang grupo hinayaan lamang umano ni Pangulong Aquino na paslangin ng Malaysian forces ang royal army ng Sultanato ng Sulu at sa kawalang aksyon umano ng gobyerno ng Pilipinas sa mga paglabag sa karapatan ng mga Filipino sa Sabah.
"You did nothing while our fellow brothers are being butchered by the Malaysian forces, and while our women and children become subject of human rights abuses. If you can’t act on the issue as the Philippine President, at least do something as a fellow Filipino. We are watching."
Naibalik sa normal na operasyon ang website bandang 10 ng umaga.
- Latest
- Trending