Cardinal Bergoglio ng Argentina bagong Santo Papa
MANILA, Philippines - Hinirang ngayong Huwebes bilang bagong Santo Papa si Cardinal Jorge Mario Bergoglio ng Buenos Aires, Argentina.
Simula sa araw na ito ay tatawagin na si Cardinal Bergoglio bilang Pope Francis I, ang bagong lider ng 1.2 bilyon na katoliko sa buong mundo.
Pinalitan ni Bergoglio si Pope Benedict XVI na nagretiro nitong nakalipas na buwan.
"Brothers and sisters, I thank you very much for the greeting. Pray for me. We will see each other soon," pahayag ni Cardinal Bergoglio sa harap ng maraming katoliko sa Saint Peter's Square matapos siyang hiranging bagong papa.
Sa kanyang talumpati, hiniling ng bagong Santo Papa ang kapayapaan para sa buong mundo.
"The journey of the bishop of Rome, it's a journey of brotherhood and trust among us. Let us pray for each other and the entire world," ani Pope Francis.
Ganap na 2:06 ng madaling araw dito sa Pilipinas nang lumabas ang puting usok mula sa Sistine Chapel, kung saan nagkukulong ang 115 na mga cardinal, para sa pagboto sa abong Santo Papa.
Ibig sabihin ng puting usok ay may bago nang nahirang na Santo Papa.
- Latest
- Trending