^

Balita Ngayon

Gobyerno handa sa pagdagsa ng Sabah evacuees

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinigurado ng gobyerno na may sapat na pagkain para sa mga pinauwing Pilipino mula Sabah patungong Tawi-Tawi at Zamboanga.

Sa isang media briefing sa Camp Crame na dinaluhan ng mga pinuno ng Department of Interior and Local Government, Department of Agriculture at Department of Social Welfare and Development, sinabi ng mga opisyal  na nakahanda ang administrasyong Aquino sa pagtugon sa anumang pangangailangan ng mga Pilipinong naipit sa kaguluhan sa Sabah.

"The President (Benigno Aquino III) is on top of the situation," kumpiyansang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala patuloy ang pagpapadala ng mga suplay sa iba't ibang parte ng Mindanao kung saan dumarating ang mga pinauwing Pilipino.

"Sa pagkakataon pong ito, tayo ay mayroong sapat na stock na naroon ngayon pero hindi po kami tumitigil. Sa katunayan po ay araw-araw ay patuloy na nagpapadala ng bigas sa bandang Sulu mula sa Zamboanga," ani Alcala.

Plano pang magpadala ng kawanihan ng 100,000 sako ng bigas mula sa National Capital Region at Region 4, dagdag ni Alcala.

Upang masiguro na makakarating ang mga pagkain at tubig sa Sulu, Basilan and Tawi-tawi, planong kontratahin ni Roxas ang iba't ibang commercial shipping firms upang dalhin ang mga ito.

Bukod sa pagdadala ng supplies,  isasakay din ng mga barko ang mga pinauwing Pilipino na gustong bumalik sa kanilang mga kamag-anak sa Mindanao.

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

ALCALA

BASILAN AND TAWI

BENIGNO AQUINO

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with