Noy, Razak hinimok na tumugon sa panawagan ng UN
MANILA, Philippines – Hinimok ngayong Biyernes ng dalawang aktibistang grupo sina Pangulong Benigno Aquino III at Malaysian Prime Minister Najib Razak na dinggin ang panawagan ni United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon na humanap ng mapayapang paraan sa pagresolba ng gulo sa Lahad Datu, Sabah.
Sinabi ng Anakpawis partylist at Pamalakaya na dapat ay pilitin ng international communities, kabilang ang UN, sina Razak at Aquino na magtulungan upang idaan sa mapayapang pag-uusap ang gusot sa Sabah.
"The Prime Minister of Malaysia and the Manila government should heed the appeal of UN Secretary general and quit from jointly and separately ganging up on the forces and personnel of the Royal Sultanate of Sulu in Sabah and in the country," pahayag ng dalawang grupo.
Nitong Huwebes ay hinimok ng UN ang dalawang kampo na unahin ang humanitarian assistance at galangin ang karapatan pantao ng mga apektadong grupo partikular ang mga tauhan ng Sultanato ng Sulu.
Sinabi ng grupo na tanging ang Sultanato ng Sulu lamang ang tumugon sa panawagan ng UN nang magdeklara ito ng unilateral ceasefire.
Pero hindi ito kinagat ng prime minister ng Malaysia bagkus ay sinabing tuloy ang mga opensiba kung hindi susuko ang mga tauhan ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.
"It is now the turn of Prime Minister Razak and President Aquino to reciprocate the politically and morally correct gesture of the Royal Sultanate. The leaders of Malaysia and the Manila government should drop their obsession for senseless war and grave violations of human rights and come to their senses to avert the ongoing humanitarian crisis in Sabah," dagdag ng grupo.
- Latest
- Trending