2 bagong Comelec commissioner pinangalanan na
MANILA, Philippines – Dalawang buwan bago ang eleksyon sa Mayo, pinangalanan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Huwebes ang dalawang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Sina dating Ambassador to Egypt at dating Lanao del Norte Rep Macabangkit Lanto at election law expert Bernadette Sardillo ang itinalaga ni Aquino sa Comelec.
Sinabi ni Aquino sa mga mamamahayag sa Davao na pinili niya si Lanto dahil mayroon itong ‘independent mind’ habang nagustuhan naman ng Pangulo ang ginawang pagtatanggol ni Sardillo sa karapatan ng mga botante lalo na noong nakaraang halalan.
Sa microblogging site Twitter ay binati ni Comelec chairman Sixto Brillantes ang dalawang bagong commissioner ng polling body.
“I welcome the appointment of Atty. Maria Bernadette Sardillo and Atty. Macabangkit Lanto as new @comelec Commissioners,†pahayag ni Brillantes.
Dagdag ng Pangulo na ibinigay na niya sa Commission on Appointments at sa Kongreso ang appointment papers nina Sardillo at Lanto upang makumpirma.
Papalitan ng dalawa ang mga nagretiro na sina dating commissioner Rene Sarmiento at Armando Velasco.
Samantala, malugod na tinanggap ng mga tauhan ng Comelec ang pagkakatalaga kina Lanto at Sardillo.
"These appointments are a big boost to the Commission, (which) is now at the thick of preparations for the May 13, 2013 elections," pahayag ng Comelec- Employees Union.
Pero sa kabila nito ay dismayado naman sila kay Aquino dahil sa hindi pagpansin ng kanilang hiling na magtalaga ng bagong commissioner na galing mismo sa Comelec.
"We, however, are saddened that the President ignored our earlier call to appoint insiders to the posts. Be that as it may, the more than 5,000 Comelec employees nationwide, respect the President's decision and welcome the two new Commissioners," sabi ng grupo.
Umaasa naman ang grupo na makikipagtulungan ang dalawang commissioner upang masiguro ang maayos na halalan, gayun din ang maitaguyod ang kapakanan ng mga empleyado ng komisyon.
"We wish to extend our willingness to work with Commissioners Lanto and Sardillo in ensuring the success of the upcoming elections. We hope they join us in our cause to forward the well being of poll workers nationwide," dagdag ng Comelec-EU.
- Latest
- Trending