^

Balita Ngayon

Sultanato ng Sulu nagdeklara ng ceasefire sa Sabah

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Sultanato ng Sulu ngayong Huwebes  sa Sabah kung saan may kaguluhan sa pagitan ng kanyang royal army at awtoridad ng Malaysia.

Sinabi ng tagapagsalita ng Sultan na si Abraham Idjirani na nag-desisyon si Jamalul Kiram III na itigil na ang putukan kasunod ang pakiusap ni United Nations secretary general Ban Ki Moon na wakasan na ang kaguluhan sa Sabah.

"The Sultan is calling for a unilateral ceasefire of the Sultanate of Sulu effective this hour, 12: 30, in order to reciprocate the call of the United Nations to preserve lives,” sabi ni Ijdirani.

Tinawagan ni Kiram ang kanyang kapatid upang iparating ang desisyon, habang umaasa ang kampo nila na tutugon din ang gobyerno ng Malaysia sa tigil putukan.

"His Royal Highness, Sultan Jamalul Kiram III called his brother to initiate evasive and defensive posture. This is not only to his brother but including to those who volunteered and sacrificed their lives for the cause of Sultanate of Sulu," ani Idjirani.

"We hope Malaysia reciprocates the same call for a ceasefire," dagdag ng tagapagsalita.

Umabot na sa 30 ang nasawi mula sa dalawang panig mula nang magsimula ang engkwentro noong nakaraang linggo.

Tumungo ang royal army ni Kiram sa Lahad Datu, Sabah upang angkinin ang lugar.

ABRAHAM IDJIRANI

BAN KI MOON

HIS ROYAL HIGHNESS

JAMALUL KIRAM

KIRAM

LAHAD DATU

SABAH

SULTAN JAMALUL KIRAM

SULTANATE OF SULU

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with