^

Balita Ngayon

Marijuana cultivator arestado sa Mindoro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang marijuana cultivator sa ginawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Oriental Mindoro, ayon sa ahensya ngayong Huwebes.

Pinangalanan ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Adonis Maligo, 28, magsasaka ng sitio Malapgap, baranggay B. Del Mundo, Mansalay, Oriental Mindoro.

Nadakip si Maligo ng pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office 4B at Mansalay police sa isang plantasyon ng marijuana sa sitio Malapgap.

Binungkal ng mga awtoridad ang 14 na mayayabong na halaman ng marijuana sa pananiman.

Nahaharap si Maligo sa kasong paglabag sa Section 16 (Cultivation of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakakulong ngayon si Maligo sa Mansalay police station.

ADONIS MALIGO

ARTURO CACDAC JR.

DEL MUNDO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

MALAPGAP

MALIGO

MANSALAY

ORIENTAL MINDORO

REGIONAL OFFICE

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with