'Not guilty' sagot ni Lozada sa kasong katiwalian
MANILA, Philippines – Naghayin ng ‘not guilty’ plea si NBN-ZTE national broadband controversy whistleblower Rodolfo "Jun" Lozada sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan ngayong Miyerkules.
Ipinasok ni Lozada, dating chief executive officer ng Philippine Forest Corp. (PhilForest), at kanyang kapatid na si Jose Orlando Lozada ang not guilty na plea matapos basahan ng sakdal sa Fourth Division ng Sandiganbayan.
Sumuko si Lozada noon Pebrero 11 matapos maharap sa dalawang kaso ng graft dahil umano sa maanomalyang lease of state-owned lands habang nakaupo sa Philforest.
Bago lumitaw ay tumakbo si Lozada sa mga kaibigang madre at pari dahil sa umano'y mga natatanggap niyang pagbabanta sa kanyang buhay.
Hinirang si Lozada bilang bayani ng grupong Black and White movement dahil sa kanyang paglitaw kontra sa administrasyon ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Isa si LOzada sa mga pangunahing saksi sa umano'y maanomalyang kontratang NBN-ZTE noong panahon ng dating pangulo.
- Latest
- Trending