3 Pinoy guilty sa arms smuggling sa US
MANILA, Philippines – Aabot 20 taon ang itatagal ng tatlong Pilipino sa piitan ng Los Angeles matapos silang mapatunayang nagkasala sa pagpapasok ng matataas na kalibre ng baril sa Estados Unidos.
Hinatulan ng isang federal jury sa Los Angeles ang 26-anyos na si Sergio Syjuco at dalawa pa matapos mahuling ilegal na magpasok ng armas. Maaaring makulong ang tatlo nang 20 taon simula sa Hunyo.
Naharang ang tatlo sa Southern California port noong 2011 nang pagbentahan nila ng armas, kabilang ang isang grenade launcher, ang isang undercover na tauhan ng Federal Bureau of Investigastion (FBI).
- Latest
- Trending