Pagpaslang sa Bayan Muna leader kinondena
MANILA, Philippines – Kinondena ng grupong Hustisya ngayong Martes ang pagkamatay ng isang opisyal ng baranggay na tumungo sa regional office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Davao upang iprotesta ang hindi pamimigay ng pagkain para sa mga apektado ng bagyong Pablo.
"We are filled with anger with the killing of Cristina Jose. We condemn those who felled her in as much as we have condemned the government who further aggravated the suffering of the typhoon victims," pahayag ni Hustisya secretary general Cristina Guevarra.
Tinambangan si Jose, baranggay kagawad ng Binondo, Baganga, Davao Oriental, bandang 6 ng gabi ng Lunes matapos dumalo sa pagpupulong ng baranggay.
Pinuno si Jose ng Bayan Muna at miyembro ng Barug Katawhan, grupong binuo ng mga biktima ng bagyong Pablo na hinahabol ang pananagutan ng DWSD dahil sa hindi pagdadala ng mga relief goods.
Kabilang si Jose sa mga nakaligtas sa hagupit ni Pablo at tumungo ng DSWD upang magsagawa ng tatlong araw na camp-out.
Bumalik si Jose sakanilang lugar matapos silang puwersahan paalisin ng mga sundalo mula sa 67th Infantry Battalion ng Philippine Army, ayon sa Hustisya.
"They demanded food and justice, but they are harassed and even killed. We demand justice for Jose, and to the typhoon survivors who have been resilient against the government’s blatant negligence and ineptitude towards their plight," sabi ni Guevarra .
- Latest
- Trending