^

Balita Ngayon

Walang sabotahe sa Luisita case - DAR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Department of Agrarian Reform ngayong Miyerkules ang mga alegasyon na sinasabotahe nito ang proseso at distribusyon ng mga lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Sinabi ng DAR sa isang pahayag na ang mga akusasyon ay walang basehan at kinunsulta nila ang mga stakeholders tungkol dito.

"The DAR has been transparent in all aspects, even conducting consultations with all parties involved in the Hacienda Luisita case, including the process of selecting the accounting firm to conduct the special purpose audit on the Hacienda Luisita, Inc. and Centenary Holdings, Inc.," pahayag ng DAR.

"All the groups present during the consultation meeting were even assured that they will be consulted every step of the way, and that their participation will be guaranteed," anang kawanihan.

Ang ilang parte ng lupa na hindi isinama sa Comprehensive Agrarian Reform Program ng gobyerno ay alinsunod sa utos ng Korte Suprema, dagdag ng ahensya.

"The segregation of non-CARPable areas such as roads, canals and the like is in full compliance with the SC's decision," sabi ng DAR.

Tiniyak naman ng DAR na matutuloy ang auditing process na nakatakdang simulan sa Huwebes.

"The audit work on the proceeds of P1.3 billion, along with the finalization of the master list, the surveying of the landholding and the distribution of farm lots to the beneficiaries, among others, are clear directives of or are part of the dispositive portion of the SC. These directives of the Supreme Court cannot be disregarded," dagdag ng DAR.

Nauna nang inutos ng Mataas na Hukuman na ipamahagi ang ilang parte ng lupa na pagmamay-ari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III sa 6,000 magsasaka.

CENTENARY HOLDINGS

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DAR

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HACIENDA LUISITA

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with