^

Balita Ngayon

81 huli sa dahil sa overspeeding sa Commonwealth

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot agad sa 8i katao ang naaresto ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng pagpapatupad ng speed limit sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Sandiganbayan hanggang Doña Carmen Avenue sa North Fairview ngayong Martes.

Pinagmulta ng P1,200 ang nahuling mga motorista kabilang ang 27 na may dalang pribadong sasakyan, 13 taxi, 27 bus, 10 utility vehicle, dalawang jeep at tig-isang motor at van.

May habang 2.3 kilometro ang Doña Carmen Avenue na bahagi ng 12.4 kilometrong haba ng Commonwealth Avenue.

Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na ipinatupad ng ahensya ang pagpapalawak ng speed limit upang maiwasan ang bilang ng mga naaksidente sa tinaguriang 'killer highway."

Dagdag ni Tolentino na nakakatanggap sila ng ulat na ginagamit ng mga drag racers ang Commonwealth Avenue sa ilegal na karera tuwing gabi.

Bumili ng karagdagang speed guns ang ahensya upang malaman kung sino ang mga lumalabag sa batas trapiko.

“We have procured additional speed guns to aid our traffic constables in going after the speedsters,” sabi ni Tolentino said na balak din maglagay ng karagdagang closed circuit television cameras (CCTVs) sa kalsada.

“There are portions on Commonwealth Avenue that are 18 lanes wide so motorists tend to speed up,” dagdag ni Tolentino.        

Ipinatupad ng MMDA ang 60 kilomoter per hour sa Commonwealth Avenue noong Enero 29, 2011 kasunod ang sunod-sunod na aksidente. Kasunod nito ay ipinatupad na rin ito sa Diosdado Macapagal Avenue sa lungsod ng Pasay.

Sa huling tala ng ahensya noong Pebrero 21, umabot na sa 23,798 ang lumabag sa speed limit sa Commonwealth Avenue mula Philcoa hanggang Sandiganbayan.

Ang 'killer highway' ang pinakamalawak na kalsada sa bansa na may anim hanggang 18 lanes.

AVENUE

CARMEN AVENUE

COMMONWEALTH AVENUE

DIOSDADO MACAPAGAL AVENUE

FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH FAIRVIEW

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with