^

Balita Ngayon

Tulak arestado sa Antique

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang hinihinalang tulak ng droga sa probinsya ng Antique sa ginawang buy-bust operation, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.

Nakorner ng pinagsamang puwersa ng PDEA at Philippine National Police si Romeo Otillano, 40, ng Rodriguez Subdivision, Baranggay 8, San Jose, Antique noong Huwebes ng nakaraang linggo.

Sinabi ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. na numero uno sa target list ng mga drug personality sa probinsya ng Antique si Otillano.

Inaresto si Otillano matapos magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang ahente ng PDEA sa Barangay Poblacion sa bayan ng Patnongon bandang 7 ng gabi noong Pebrero 21.

Nakuha kay Otillano ang dalawa pang pakete ng shabu, pera at ang P200 marked money na ginamit sa transaksyon.

ARTURO CACDAC JR.

BARANGAY POBLACION

BARANGGAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HUWEBES

INARESTO

OTILLANO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGUEZ SUBDIVISION

ROMEO OTILLANO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with