Kandidatura ni Casiño suportado ng mga militante
MANILA, Philippines - Inihayag ng ilang grupo mula sa Laguna Lake at Manila Bay ang kanilang suporta sa kandidatura ni Bayan Muna Rep. Teodore Casiño.
Sinabi ng mga pinuno ng Anakpawis partylist, Pamalakaya, Alyansa ng mga Mandaragat ng Bacoor, Cavite, Koalisyon Kontra Kumbersyon ng Manila Bay, at Save Laguna Lake Movement (SLLM) na kwalipikado si Casiño mula sa 32 senatorial candidates na tumaktakbo para sa halalan sa Mayo.
"Representative Casiño has been with us in the fight against large-scale reclamation in Manila Bay and against corporate plunder of Laguna Lake since time immemorial. We would be in a major political default if we will not campaign for him," pahayag ng mga grupo.
Anila, sinuportahan sila ni Casiño sa huling siyam na taon sa pagtawag ng atensyon sa gobyerno upang imbestigahan at tuldukan ang reclamation at privatization projects sa Manila Bay at Laguna Lake na makakaapekto sa may 6-milyong pamilya.
Noong nakaraang taon ay naghayin ng resolusyon sina Casiño at Anakpawis rep. Rafael Mariano upang imbestigahan ang malaking reclamation projects sa Manila Bay kabilang ang P14 bilyong plano sa may parte ng Las Piñas-Parañaque.
Pinasilip din ng dalawang mambabatas ang 102 proyektong reclamation sa buong bansa sa ilalim ng National Reclamation Plan of the Philippine Reclamation Authority.
- Latest
- Trending