^

Balita Ngayon

4 sangkot sa pagsagip sa Chinese drug suspects arestado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiklo ang apat na umano'y mga miyembro ng isang armadong grupo na sumagip sa tatlong Tsino na pinaghihinalaang kasapi ng malaking sindikato ng droga.

Sinabi ni Senior Superintendent Alexander Rafael, Cavite provincial police director, inaresto ng mga awtoridad sa magkakasunod na operasyon ang mga suspek na sina Rodel Cambongga, ang kapitan ng baranggay na si Leovino Fontanilla, Emiliano Quilicol at Rene Bersales.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang hinihinalang lider ng grupo na si Ariel Bondaon.

Ayon kay Rafael, umamin si Cambongga na siya ang nagsilbing lookout ng grupo. Umamin din umano ang suspek na binisita nila ni Bondaon ang Tsino na si Jackson Dy noong Pebrero 16 sa Cavite Provincial Jail.

Sinabi ni Rafael na natunton ng mga operatiba ang mga suspek dahil sa naiwan na resibo ng LBC Pera Padala sa L300 van na ginamit ng kanilang grupo na getaway vehicle.

Aniya, si Fontanilla na kapitan ng isang baranggay sa Bayang Luma 4, Imus, ay hinihinalang isa sa mga nagplano ng pagsagip sa mga Tsino. Siya rin umano ang nag-asikaso ng mga ginamit na armas ng grupo.

Samantala nabawi mula kina Quilicol at Bersales ang matataas na kalibre ng baril, bala, at pampasabog kabilang ang baril na inagaw nila mula sa jail guard na si Loreto Roguel, na kasama ng tatlong Instik patungong Trece Martirez.

Pinaghahahanap pa ng mga pulis ang 11 pang kabilang sa krimen.

vuukle comment

ARIEL BONDAON

BAYANG LUMA

CAVITE PROVINCIAL JAIL

EMILIANO QUILICOL

JACKSON DY

LEOVINO FONTANILLA

LORETO ROGUEL

PERA PADALA

TSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with