Gov't employee huling nagtutulak ng shabu
MANILA, Philippines – Arestado ang isang empleyado ng gobyerno na pangwalo sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency's (PDEA) ng mga drug personalities Zamboanga del Norte.
Sinabi ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. na nasakote si Jujit Olvis, 38, ng General Luna Street Estaka, Dipolog City, ng mga operatiba ng ahensya sa isang sting operation noong Pebrero 15.
Nahuli si Olvis ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 9 sa isang buy-bust operation malapit sa kanyang bahay. Dinakip agad ang suspek pagkaabot niya ng isang pakete ng shabu sa isang ahente ng PDEA.
Nasabat mula kay Olvis ang lima pang pakete ng shabu na may bigat na 2.4 gramo ng shabu at halagang aabot sa P8,000, iba’t ibang drug paraphernalia, dalawang P500 marked money, tatlong cellphones, at walang laman na lalagyan ng lidocaine.
"The arrest of Olvis is a significant accomplishment in our anti-drug campaign in the province of Zamboanga del Norte," sabi ni Cacdac.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Zamboanga del Norte Provincial PNP Crime Laboratory para sa quantitative examination.
Pansamantalanag nakakulong ang suspek sa Dipolog City Police Station detention facility.
- Latest
- Trending