MANILA, Philippines – Bubuksan na bukas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang earthquake simulator upang doon pagsanayin ang mga rescue personnel at turuan ang publiko at mag-aaral tungkol sa lindol at mga epekto nito.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino ang pasilidad na pinapagana ng hydraulic, na tinawag na "Shake, Rattle, and Learn house", ay katulad ng isang bungalow na bahay na may living room, furniture set, at mukang isang silid-aralan, na yayanigin ng tulad ng isang magnitude 4 hanggang 8 na lindol.
"To better understand earthquake and be prepared for it, we have to experience what it feels like to be in one. This will help raise the public’s awareness and knowledge about the earthquake phenomenon," ani Tolentino.
Ang quake simulator ay katulad ng ginagamit ng mga eksperto sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration na may sukat na 3x3.6 metro at maaring makapaglaman ng 10 katao.
Maaring bisitahin ng publiko gayun din ng mga mag-aaral na magsasagawa ng educational tours sa MMDA ang “Shake, Rattle, and Learn House.â€
"Earthquake simulation also teaches safe personal behavior and practice in case of an earthquake. This is a learning tool against the perils of earthquakes by providing a scenario to practice protective procedures," sabi ni Tolentino.