Higit 300 panukala, pirma nalang ni P-Noy ang inaantay
MANILA, Philippines – Pirma na lamang ni Pangulong Benigno Aquino III ang inaantay ng 304 na panukala na aprubado ng Kongreso upang maging batas.
"House records (until February 6th) show there are 304 Congress-approved measures – 79 of national and 225 of local concern – now under review by the Office of the President for subsequent enactment into law or, in rare cases, could be vetoed by the President," pahayag ng House of Representatives.
Kabilang sa mga nakatambak sa opisina ng Pangulo mula noong Pebrero 6 ay ang: 1) HB 4241 – Panukalang hinahayaang bumoto ng mas maaga ang mga miyembro ng media; 2) HB – Amyenda sa “The Rural Bank Act of 1992â€; 3) HB 5484 – Panukala para sa comprehensive regulation ng mga armas. Light weapons at ammunition, penalizing violations, pagpapawalang bisa sa PD 1866; 4) HB 5509 – Mas madaling marating at mas komportable na botohan para sa mga taong may kapansanan, senior citizens at mga buntis; 5) HB 5490 – Mas mabigat na parusa sa paglabag sa meat inspection system at pag-aamyenda sa R.A. 9296 o “The Meat Inspection Code of the Philippines.†6) HB 4484 – Pagbibigay ng Magna Carta para sa mga mahihirap; 7) HB 5990 – Pagbibigay ng kabayaran sa mga biktima ng human rights noong panahon ni Marcos; 8) HB 6735 – Pagtatayo ng Philippine National Health Research System; 9) HB 6685 – Pagpapalakas sa Tripartism, pag aamyenda sa Labor Code of the Philippines; 10) HB 6548 – Pagpapa-unlad sa pamamaraan sa agrikultura at pangingisda sa bansa; at HB 6565 – Pagpapalakas sa Anti-Money Laundering Law, paga-amyenda sa RA 9160 at iba pa.
Maaaring maging batas rin ang mga panukala kahit hindi mapirmahan ni Pangulong Aquino ayon sa saligang batas. Nakasaad sa konstitusyon na kung hindi mapirmahan ng pangulo ang mga panukala 30 araw matapos niya itong matanggap ay maaari na itong maging batas.
- Latest
- Trending