^

Balita Ngayon

7 suspek na tulak huli sa pagsalakay ng PDEA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang pitong miyembro ng kilabot na sindikato ng droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Maguindanao, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Biyernes.

Pinangalanan ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Anwar Nakan, 33, at asawa nitong si Sanima, 29; Abdulbasit Dipatuan, 34; Neng Dipatuan, 37; Heria Baraguir, 19; Thong Ambolodto, 40; at Saguira Guiamalon, 37.

“Reports revealed that the seven arrested suspects are members of Abas Drug Group involved in illegal drug activities in Maguindanao and other neighboring municipalities. Two of them were subjects of our case operation plan ‘Save the Babies’,” sabi ni Cacdac.

“The arrest of seven members of the Abas Drug Group is a big blow to the local drug industry in Barangay Makir, Maguindanao. We will not stop until the other three suspects, Samanodi in particular, are caught,” dagdag ng pinuno ng ahensya.

Sa pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA ARMM) at Philippine Army’s 68th Infantry Battalion inahayin nila ang limang search warrants sa mga bahay sa baranggay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Bukod sa shabu, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang iba't ibang drug paraphernalia, mga armas at mga bala at cellphone mula sa mga suspek.

Pero nakatakas ang pinuno ng Abas drug group na si Samanodi Abas at dalawa pang miyembro na sina Benjamin Abas at Paner Duga.

Nahaharap ang pitong suspek sa paglabag sa Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa piskalya ng Maguindanao.

Pamsamantalang nakakulong ang mga suspek sa PDEA ARMM jail facility, PC Hill, Cotabato City.

ABDULBASIT DIPATUAN

ANWAR NAKAN

BARANGAY MAKIR

BENJAMIN ABAS

COTABATO CITY

DATU ODIN SINSUAT

DIRECTOR GENERAL ARTURO CACDAC

DRUG GROUP

MAGUINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with