Mga mangingisda umalma sa plano ni P-Noy sa Tubbataha
MANILA, Philippines – Umangal ang grupo ng mangingisda na Pamalakaya ngayong Miyerkules sa mungkahi ng Pangulong Benigno Aquino III na kunin ang serbisyo ng mga US troops upang bantayan ang Tubbataha reef upang maiwasan ang pagsadsad ng mga barko sa lugar.
"His proposal is politically insane, morally ridiculous and patently unpatriotic," pahayag ni Pamalakaya vice chairperson Salvador France.
Sabi pa ni France, sa halip na itulak ang mungkahi ay dapat pagtuunan ng pansin ng pangulo ang mga karampatang kaso laban sa mga opisyal ng US Navy at 79 tripulante ng USS Guardian na sumadsad at nakasira sa mga bahura sa Tubbataha.
Noong Martes ay tinanggap ni Aquino ang ideya na magtalaga ng mga US Navy upang bantayan ang Tubbataha.
Aniya, ang mga magboboluntaryo na bantayan ang mga bahura ay mapapailalim sa US Navy na tutulong din sa rehabilitasyon ng Tubbataha, kung saan sisiguraduhin din nila na hindi na mauulit pa ang insidente.
Nagmula ang mungkahi mula kay US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, dagdag ni Aquino.
- Latest
- Trending