2 PNP execs sibak dahil sa P131-M rubber boats
MANILA, Philippines – Iniutos ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ngayong Martes ang pagsibak sa pwesto sa dalawang opisyal ng Philippine National Police dahil sa maanomalyang pagbili ng 75 rubber boats noong 2009.
Napatunayan na liable for gross neglect of duty and grave misconduct sina Deputy Director General Benjamin Belarmino Jr. at Chief Superintendent Herold Ubalde dahil sa maanomalyang kontrata na umabot sa P131.5 milyon.
Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo, tinanggal din ni Gutierrez ang retirement benefits ng dalawang opisyal at pinagbawalan silang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Anim na buwang suspensyon naman na walang pashod ang ipinataw ni Gutierrez kina Director George Piano, Chief Superintendent Luis Saligumba, Senior Superintendent Job Nolan Antonio at Senior Superintendent Edgar Paatan, na pawang miyembro ng Inspection and Acceptance Committee ng PNP, dahil sa kapabayaan sa trabaho.
Samantala, nagbabala ang Ombudsman kay National Police Commission Director Conrado Sumanga at sinabihang ayusin ang pagganap sa kanyang trabaho dahil na rin sa naturang anomalya. Miyembro si Sumanga ng Oversight Committee and Acting Service Chief of the Installations and Logistic Service.
Nag-ugat ang kaso mula sa mga reklamo na ihinayin laban sa mga opisyal noong Nobyembre 15, 2011 at Pebrero. 17, 2012.
Binili ng PNP ang 75 rubber boats at 18 spare engines sa pamamagitan ng negotiated procurement para gamitin ng PNP Maritime Gorup na parte ng Annual Procurement Plan for 2008 ng PNP sa ilalim ng Capability Enhancement Program Funds.
"Upon delivery of the equipment, the PNP Maritime Group’s Technical Inspection Committee on Watercrafts scrutinized the deal and found out that there were deficiencies in the equipment and that they were dangerous to use," pahayag ng Ombudsman.
Base sa imbestigasyon, ang mga biniling rubber boats at makina ay hindi magkatugma at hindi gumagana.
Hindi naman isinama sina PNP Director General Jesus Verzosa at 18 iba pang police officials na sangkot sa anomalya dahil retirado na sila.
- Latest
- Trending