^

Balita Ngayon

Pulis huli sa pagnanakaw ng motor sa North Cotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang pulis at kasama nito dahil sa pagnanakaw umano ng motorsiklo sa Aleosan, North Cotabato, ayon sa mga awtoridad ngayong Lunes.

Kinilala ni Senior Inspector Henry Narciso, hepe ng Midsayap police, ang mga suspek na sina Police Officer 2 Oting Salik, nakatalaga sa Police Public Safety Battalion  ng regional office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Habib Ali ng Parang, Maguindanao.

Naaresto sina Salik at Ali dala ang motorsiklo na pag-aari ng isang Joseph Capistrano.

Bago maaresto, sinabi ni Narciso na nasangkot sa isang aksidente sina Capistrano at ang dalawang supsek sa isang highway sa bayan ng Midsayap.

Kinuha umano nina Salik at Ali ang motorsiklo at sinabihan si Capistrano na magkita sila sa istasyon ng pulisya sa Midsayap upang doon pag-usapan ang aksidente.

Gayunman, hindi sumipit sina Salik at Ali sa naturang istasyon ng pulisya.

Ayon kay Narciso, kaagad niyang inalerto ang mga pulisya sa mga bayan ng Libungan at Pigcawayan na nagdulot sa pagkakaaresto kina Salik at Ali.

Kasong pagnanakaw ng motorsiklo ang isasampa ng pulisya laban kina Salik at Ali.

vuukle comment

ALI

AUTONOMOUS REGION

CAPISTRANO

HABIB ALI

JOSEPH CAPISTRANO

MIDSAYAP

MUSLIM MINDANAO

NARCISO

NORTH COTABATO

SALIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with