^

Balita Ngayon

2 miyembro ng 'Donut Gang' tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa naiwang lisensya, nasakote na ng mga awtoridad ang dalawang miyembro ng “Donut Gang” na nanggulo umano sa isang mall sa lungsod ng Quezon noong Miyerkules.

Sa isang ulat sa radyo, ang naiwang lisensya ang naging susi sa pagkakadakip sa suspek na dating pulis na si Nomer Pacheco at kasamahan nitong si Richard Fontanilla.

Ayon kayi Quezon City Police District Director Senior Supt. Richard Albano, bukod sa lisensya ay natunton din nila sina Pacheco, na nag-absent without leave (AWOL) noong 2006, dahil sa plaka ng sasakayng ginamit nila sa panggugulo sa Robinsons Magnolia.

Nabawi mula sa ma suspek ang gulong ng Ford Ranger na nagkakahalaga ng P60,000.

Bukod sa pagnanakaw ng gulong ng mga suspek ay nakipagpalitan pa sila ng putok sa mga gwardya ng mall na sumita sakanila.

Kaagad tumakas ang mga suspek ngunit iniwan ang Mistubishi Adventure na gamit nila dahil ito ay na-flat. – AJ Comia

AYON

BUKOD

DONUT GANG

FORD RANGER

MISTUBISHI ADVENTURE

NOMER PACHECO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT DIRECTOR SENIOR SUPT

RICHARD ALBANO

RICHARD FONTANILLA

ROBINSONS MAGNOLIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with