MANILA, Philippines – Pinapayagan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ang lumipad, maglayag at mangisda sa silangang bahagi ng bansa kasunod ang rocket launch ng South Korea patungong kalawakan.
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na naganap na ang rocket launch hapon ng Miyerkules at ang ilang parte nito ay nahulog sa Pacific Ocean.
Unang sinabi ng ahensya na maaring mahulog ang mga labi ng rocket sa silangang bahagi ng bansa mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi kahapon.