^

Balita Ngayon

P5M halaga ng pananim lunod sa baha sa NCotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inararo at sinira ng flashfloods ang aanihin na sanang mga pananim na nagkakahalaga ng higit sa P5 milyon sa 10 baranggay sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.

Sa tantiya ng opisina ng Kabacan municipal agriculture, umabot sa P5.2 milyon ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan nitong Sabado at Linggo.

Ayon sa disaster risk management council ng Kabacan, 707 hektarya ng taniman ng bigas at mais ang sinira ng baha sa 10 baranggay.

Umapag ang ilog na dumadaloy sa paligid ng 10 barangay dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Umabot naman sa 2,000 residente ang napilitang iwanan ang kanilang mga tahanan dahl sa pagbaha.

AYON

BARANGGAY

INARARO

KABACAN

LINGGO

NORTH COTABATO

SABADO

UMABOT

UMAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with