Shabu nakuha sa detinadong Kano, Tsino sa Bicutan
MANILA, Philippines – Nakakulong na pero nahulihan pa ng 10 gramo ng shabu ang isang Amerikano at Tsino sa loob ng kanilang selda sa Taguig City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes.
Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang Amerikano na si Tigor Hasonangan Shianipar na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at ang Tsino na si Shutak Mui na nahaharap naman sa kasong illegal possession of firearms.
Nahulihan ng shabu ang dalawa sa isinagawang sorpresang inspeksyon ng mga tauhan ng PDEA at Bureau of Immigration sa loob ng kanilang selda sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Enero 25.
Nakuha rin mula sa selda ng dalawang dayuhan ang iba’t ibang drug paraphernalia.
"The greyhound operation was hatched upon BI’s request to ensure that detainees are not using illegal drugs and to prevent possible illegal drug transactions and activities between detained pushers and their companions outside the jail," sabi ni Cacdac.
- Latest
- Trending