Kapitan at dating NPA, tiklo sa gun ban
MANILA, Philippines – Arestado ang isang kapitan ng baranggay at isang dating miyembro ng New People's Army (NPA) sa Quezon province dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.
Arestado si Danilo Tapalla, kapitan ng Barangay Bayanihan sa bayan ng Dolores, matapos siyang isumbong ng isang negosyante.
Ayon sa pulisya, pumalag pa si Tapalla at tinutukan ng baril ang isa sa mga umaarestong pulis ngunit agad din siyang nadisarmahan at naaresto.
Nadakip naman ang dating miyembro ng NPA na si Domingo Plaza matapos ireklamo ng isang may-ari ng bahay sa Barangay Poblacion dahil sa pagpapaputok ng baril.
Nabawi mula kay Plaza ang isang .38 rebolber at isang balisong.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang dalawang suspek.
- Latest
- Trending