56,000 litro langis dapat tanggalin sa USS Guardian
January 24, 2013 | 3:20pm
MANILA, Philippines – Libu-libong litro ng langis ang kailangan munang matanggal sa barko ng US navy bago ito maalis sa pagkakasadsad sa Tubbataha Reef, ayon sa isang opisyal ngayong Huwebes.
Sabi ni Rear Adm. Thomas Carney, aabot sa 56,000 litro o 15,000 galon ng langis ang kailangang matanggal mula sa USS Guardian bago ito maingat ng isang crane ship mula sa Tubbataha Reef.
Muling humingi ng dispensa si Carney, commander ng Navy's Logistics Group sa Western Pacific, dahil sa pagsadsad ng naturang barko noong Enero 17 at sinabing gagawin nila ang lahat para matanggal ang barko sa bahura.
Sinabi ng pamahalaan ng Pilipinas na gusto nitong pagmultahin ang US navy dahil sa pinsalang nagawa nito at sa ilegal na pagpasok sa marine sanctuary na isang UNESCO World Heritage Site.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest