NBI team sinusundo na si Amalilio sa Malaysia
January 24, 2013 | 1:52pm
MANILA, Philippines – Tumulak na patungong Malaysia ang isang grupo ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) uang sunduin ang arestado nang si Manuel Amalilio, may-ari ng Aman Futures Group Philippines INnc. na sangkot sa P12-bilyon na investment scam sa bansa.
Ayon kay NBI director Noni Rojas, makikipag-ugnayan ang NBI team sa mga awtoridad sa Malaysia sa tulong ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas.
Umaasa si Rojas na papayag ang mga awtoridad sa Malaysia na mailipat sa kustodya ng Pilipinas si Amalilio, na nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil sa P12-bilyon na pyramiding scam.
Dalawang warrant of arrest na ang nailabas ng Pagadian Regional Trial Court para kay Amalilio dahil sa naturang kaso ng estafa.
Tumakbo si Amalilio sa Malaysia matapos mabuko ng mga awtoridad ang modus operandi ng kanyang kumpanya na may nalokong halos 15,000 katao, kabilang ang mga lokal na opisyal, mga sundalo at mga pulis sa Mindanao.
Naaresto si Amalilio sa Kota Kinabalu dahil sa pagdadala ng pekeng pasaporte.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended