MANILA, Philippines – Tumakas ang isang utusang bilanggo sa Zamboanga del Norte Provincial Jail matapos pabilhin ng itlog noong nakaraang linggo.
Inutusan lamang na bumili ng itlog ang 26-anyos na si Roland Tomabok, na nakulong dahil sa pagnanakaw, pero tuluyan na siyang tumakas, ayon kay prison security guard Restituto Sumlog.
Ginawang utusan si Tomabok at katiwala ng ng provincial jail na nasa Barangay Don Jose Aguirre sa bayan ng Manukan.
“The prisoner who was ordered to buy some eggs took his chance to escape,†anang tagapagsalita ng police regional office ng Zamboanga.
Nagsasagawa na ng manhunt operation laban sa tumakas na bilanggo.