Pyramiding boss na si Amalilio tiklo sa Malaysia
January 23, 2013 | 2:08pm
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Miyerkules na naaresto na si Emmanuel Amalilio, ang pangulo ng kumpanyang Aman Futures na sangkot sa P12 bilyon na investment scam sa Mindanao.
Ayon kay De Lima, naaresto ng Malaysian authorities si Amalilio sa Kota Kinabalu dahil sa mga pekeng pasaporte at ID.
Sinabi ni De Lima na inaasikaso na ng embahada ng Pilipina ang pagdadala kay Amalilio sa Pilipinas, kung saan may hinaharap siyang patung-patong na kaso ng syndicated estafa.
Tumakbo si Amalilio sa Malaysia matapos mabuko ng mga awtoridad ang modus operandi ng kanyang kumpanya na may nalokong halos 15,000 katao, kabilang ang mga lokal na opisyal, mga sundalo at mga pulis sa Mindanao.
May mga nabiktima din umano ang naturang kumpanya sa Visayas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended