Alkalde sa Isabela patay sa pananambang; 4 huli

 

MANILA, Philippines – Apat katao ang kaagad na naaresto ng mga pulis matapos ang pagpaslang sa alkalde ng isang bayan sa probinsya ng Isabela nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ng hepe na si Senior Superintendent Richard Albano, hepe ng Quezon City Police District, na nasakote ang mga suspek sa follow up operations na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Unit at Special Weapons and Tactics team ng QCPD.

Naaresto ang mga suspek wala pang 12 oras mula nang mangyari ang pananambang kay Maconacon Mayor Erlinda Domingo sa harap ng isang apartelle sa Baranggay West Triangle sa Quezon City.

Nabawi mula sa mga suspek ang mga armas, bala, at isang motorsiklong  pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa alkalde.

Bandang 8:30 ng gabi pinagbabaril ang alkalde sa Park Villa Apartelle sa kanto ng Examiner Street at Quezon Avenue, habang ang drayber niyang si Bernard Lazo ay sugatan at isinugod sa East Avenue Medical Center.

Isa sa mga nahuling suspek ay kinilalang si Flores Pahinado na naharang sa isang police checkpoint.

Show comments