7 Army scout rangers sugatan sa pananambang sa Basilan
January 22, 2013 | 3:30pm
MANILA, Philippines – Pitong army scout rangers ang nasugatan sa pananambang ng hinihinalang mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Ungkaya Pukan sa Basilan, ngayong Martes ng umaga.
Ayon kay Col. Rodrigo Gregorio, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Wesmincom), mga miyembro ng 4th Scout Ranger Battalion (SRB) ng Special Operations Command (SOCOM) ang mga tinambangang sundalo.
Aniya, pabalik na ng headquarters ng 12th Scout Rangers Company ang mga sundalo nang tambangan sila bandang 7:40 ng umaga sa may Barangay Amaloy at Barangay Bohe Pahu.
“They were ambushed by an undetermined number of Abu Sayyaf and lawless elements after coming from security patrol,†ani Gregorio.
Sa kabila ng pagkakaroon ng mga sugat, nagawa ng mga sundalo na maitaboy ang mga bandido matapos ang 20 minutong bakbakan.
Kaagad isinugod sa Camp Navarro General Hospital sa Wesmincom headquarters sa Zamboanga City ang mga sugatang sundalo.
Nagpadala na ang Wesmincom ng mga karagdagang sundalo upang tugisin ang mga tumakas na bandido.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended