MANILA, Philippines – Dalawang estudyante ang itinurong nasa likod ng pagpatay sa isang municipal public school teacher sa probinsya ng North Cotabato, ayon sa isang lokal na opisyal ngayong Martes.
Ayon kay M'lang Mayor Joselita Piñol, pinatay daw ang guro matapos nitong bantaan ang mga suspek na ibabagsak sa kanyang klase dahil sa pagdadala ng baril sa loob ng silid-aralan.
Tumangging pangalanan ni Piñol ang dalawang suspek dahil kapwa mga menor de edad ang mga ito, pero iginiit na may matibay silang ebidensya sa pagpatay sa 25-anyos na si Mark Shenan Duerme ng Lepaga National High School.
"We can’t reveal their identities because they are both minors,†sabi ni Piñol.
Sakay si Duerme ng motorsiklo sa Baranggay Bagontapay sa bayan ng M'lang nang pagbabarilin siya ng dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo.
Agad tumakas ang mga supsek matapos ang pamamaril.
Ayon sa alkalde, noon pa man ay pinagagalitan na ni Duerme ang dalawang estudyante dahil sa mga reklamo laban sa kanila hinggil sa "bullying" at pagdadala ng baril sa loob ng paaralan.
Ayon sa mga opisyal ng baranggay, anak ng kilabot na bandidong Moro ang isa sa mga suspek.
“We could have prevented the murder of Mr. Duerme had teachers in that school reported to the police the perennial problem of carrying of guns by some students,†sabi ni Piñol.