3 patay sa pagbaha sa Mindanao
January 22, 2013 | 1:32pm
MANILA, Philippines – Tatlong tao na ang namamatay at libu-libong pamilya na ang apektado ng pagbaha sa tatlong rehiyon sa Mindanao dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.
Kinilala ng NDRRMC ang tatlong nasawi na sina Custodio, 17 ng Barangay San Miguel, Tagum City; Boyet Borres, 19 at Clyde Selgas, 19, kapwa residente ng El Salvador City, Misamis Oriental.
Napaulat namang nawawala sina Ramon Ampong at John Micahel Unson ng Misamis Oriental.
Sa ulat ng NDRRMC, umabot na sa 19,480 na pamilya o 84,202 na katao ang naapektuhan ng pagbaha sa pitong probinsya sa mga rehiyon ng Northern Mindanao, Davao at Central Mindanao.
Abot naman sa 8,542 na pamilya ang lumikas sa kanilang mga bahay na lubog sa baha at kasalukuyang naninigilan sa 51 na evacuation center.
Ilang parte ng Mindanao ang nakakaranas ng malakas na pag-ulan sa nakalipas na tatlong araw dahil sa tail end ng cold front sa hilagang parte ng Davao at Central Mindanao.
Dahil sa walang tigil na pag-ulan, umaapaw ang tubig sa mga ilog sa Misamis Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley, Davao City at North Cotabato.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest