Pinsala ng US ship sa Tubbataha inaalam pa rin ng PCG
January 21, 2013 | 3:13pm
MANILA, Philippines – Inutusan ni Transportation Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ngayong Lunes ang Philippine Coast Guard (PCG) na magpasa sa kanya ng paunang assessment report sa naging pinsala ng US Navy minesweeper sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea.
Inilabas ni Abaya ang direktiba matapos ang high-level government-to-government communication ng Pilipinas at Estados Unidos kaugnay ng insidente.
Aniya, ibinigay niya ang naturang kautusan sa isang emergency meeting na kanyang ipinatawag noong Linggo kasama ang maritime cluster ng PCG at Maritime Industry Authority.
Matapos sumadsad ang USS Guardian noong Huwebes, nagpalabas ang PCG ng mga barko upang siyasatin ang kondisyon at posibleng pinsala sa Tubbataha Reef.
Iniutos din ni Abaya sa PCG ang pagsagawa ng environmental response operations, kabilang ang paglalagay ng oil spill boom kung kinakailangan, habang naghihintay sila ng hahatak sa sumadsad na barko.
Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Armand Balilo nagbuo na sila ng crisis management team at nagsasagawa ng pagpupulong sa Palawan Coast Guard District headquarters.
Idinagdag niya na naglabas ng direktiba ang Coast Guard Action Center sa pagpapalabas ng marine pollution vessel AE-891 na tutungo sa lugar ng insidente at inaasahang darating ang ito Lunes gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest