Pulis, 8 pa sugatan sa bomba sa Iligan City

 

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis at walo sibilyan sa pagsabog ng isang bomba sa Iligan City, Lanao del Norte ngayong Lunes ng umaga.

Nakilala ang sugatang pulis na si Police Officer 3 Jun Cabahug, miyembro ng Iligan City police. Hindi pa kilala ang walo pang sugatan na kinabibilangan ng limang lalaki at tatlong babae.

Sa inisyal na imbestigasyon, papasakay na si Cabahug ng kanyang sasakyan nang sumabog ang isang bomba na nakakabit sa isang bisikleta. Naganap ang pagsabog bandang 10 ng umaga Mercado Street.

Inaalaam pa ng mga awtoridad kung ang si Cabahug ang direktang puntirya sa pambobomba.

Show comments