^

Balita Ngayon

Panukalang batas sa prostitusyon suportado ng DSWD

 

MANILA, Philippines – Maaaring hindi na masakdal ang mga babaeng nagbenta ng laman at tanging ang mga bugaw na lamang nila ang maaaring kasuhan kapag nakalusot sa Kongreso ang isang bagong panukalang batas na inahiyin sa House of Representatives.
 
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), suportado nito ang pagsisikap ng Kongreso na matugunan ang problema sa prostitusyon at mapanagot ang mga taong nasa likod nito na kumikita mula sa ilegal na gawain.
 
"We all know, that most, if not all prostituted persons are forced to enter and engage into this activity because of compelling reasons such as poverty or they are victims of human trafficking. The government will continue to provide programs and services to uplift their economic well-being," ani DSWD Secretary Dinky Soliman.
 
Inaamyendahan ng Anti-Prostitution Bill ang Article 202 at 341 ng Revised Penal Code na nagpaptaw ng parusa sa "women who, for money engage in sexual intercourse, or lascivious conduct."
 
Sa sulat ni Soliman kay Iloilo Rep. Neil Tupas, tagapangulo sa House committee on justice, ang naturanhg panukalang batas ay isa sa mga priority legislative agenda ng DSWD.
 
Sa ilalim ng panukala, ituturing nang biktima ang mga prostitute at ang pananagutin na lamang ay ang kanilang mga bugaw at iba pang mga taong nasa likod ng operasyon ng prostitution. Inuutusan din ang gobyerno sa naturang panukala na magtatag isang programa upang mabigyan ng karampatang serbisyo at proteksyon ang mga babaeng biktima ng prostitusyon.
 
Iminumungkahi rin ng panukala ang paggawa ng National Anti-Prostitution Council na pangungunahan ng DSWD at kabibilangan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, non-government organizations at mga biktima ng prostitusyon.
 
Samantala, nilinaw naman ng DSWD na kontra ito sa anumang pagkilos na gawing legal ang prostitusyon sa bansa.
 
Sa kasalukuyan, may 26 na residential care facilities ang DWSD sa buong bansa na nagbibigay ng rehabilitative at protective programs para sa mga bata at kababaihan.

ANTI-PROSTITUTION BILL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ILOILO REP

KONGRESO

NATIONAL ANTI-PROSTITUTION COUNCIL

NEIL TUPAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with