4 magsasaka sa Maguindanao nawawala dahil sa flashflood
January 18, 2013 | 2:35pm
MANILA, Philippines - Apat na magsasaka ang naiulat na nawawala matapos anurin ng rumaragasang baha na tumama sa Mamasapano, Maguindanao, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ngayong Biyernes.
Matapos matanggap ang ulat, kaagad nagpatakbo ng rescue team ang RDRRMC-ARMM upang hanapin ang mga magsasaka.
Ayon kay Loreto Rirao, direktor ng RDRRMC-ARMM, hindi pa batid ng kanilang tanggapan ang pagkakakilanlan ng apat na magsasaka.
Nasa pangalawang distrito ng Maguindanao ang liblib na bayan ng Mamasapano na binabagtas ng ilog mula sa kagubatan ng Sultan Kudarat.
Sinabi ni Rirao na tumutulong na rin ang mga sundalo sa paghahanap sa mga biktima.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended