^

Balita Ngayon

PMA naglabas ng posisyon sa Parkinson's claim kay Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Iginiit ng Philippine Medical Association (PMA) ngayong Huwebes na hindi dapat basta-basta naglalabas ng pahayag ang sinumang doktor ng posibleng maging kondisyon ng isang tao hanggang walang aktuwal na resulta ng eksaminasyon.
 
Ang pahayag ng PMA ay kaugnay ng isinapublikong opinyon ni Dr. Rustico Jimenez, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), na may mga senyales na may Parkinson's disease si Manny Pacquiao.
 
“As a policy, we at PMA must not issue such statement on the alleged medical condition of Pacquiao unless he has been diagnosed and undergone examinations,” sinabi ni PMA president Modesto Llamas sa isang press conference.
 
Ayon kay Jimenez, kinakitaan niya ng mga sintomas ng Parkinson's disease si Pacquiao matapos ang laban ng boksingero sa Mexicanong si Juan Manuel Marquez.
 
Ang Parkinson's disease ay karaniwang sakit ng mga boksingero. Ang coach ni Pacquiao na si Freddie Roach at ang pamosong si Muhammad Ali ay kapwa tinamaan ng Parkinson's disease.
 
Naunang sinabi ng pangulo ng PHAP na ang pagkislot ng kamay ni Pacquiao sa kanyang mga TV interviews ay dapat alalahanin.
 
“Supposedly, if Pacquiao is Jimenez’s patient, the findings must be treated with confidentiality and that could only be announced if there is a patient’s approval. In this case, Pacquiao is not his patient, therefore Jimenez is not allowed to take up the matter of alleged Parkinson’s disease,” dagdag ni Llamas.
 
Ipinagpaliban naman ng tagapangulo ng Commission on Ethics ng PMA na si Dr. Nimfra Baria ang paghatol kay Jimenez kung mayroon nga ba siyang nilabag sa code of medical ethics.
 
Aniya, hinihintay pa nila ang pahayag ni Jimenez.
 
Sa isang panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni Jimenez na handa siya sa oras na ipatawag siya ng PMA Ethics Committee. Sa parehas na interview, humingi ang doktor ng tawad kay Pacquiao.
 
"I'm not labeling Congressman Pacquiao as having Parkinson's disease," sabi ni Jimenez. "Observation ko lang 'yun... Ang sinasabi ko, magpa-test siyang mabuti."
 
"Kung nasaktan siya because of my observation, eh humihingi na ko ng apology sa kanya," dagdag ng doktor.
 
Samantala, ayon sa mga lumalabas na ulat, pinatawad na ni Pacquiao si Jimenez pero sinabi nitong may dapat lamang ipatawag ang pangulo ng PHAP ng PMA. – Alder Almo

ALDER ALMO

ANG PARKINSON

CONGRESSMAN PACQUIAO

DR. NIMFRA BARIA

DR. RUSTICO JIMENEZ

JIMENEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with