^

Balita Ngayon

Panibagong petisyon vs RH law inihayin sa SC

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Dalawang grupo mula sa Mindanao ang naghayin sa Korte Suprema ng pangatlong petisyon para sa temporary restraining order (TRO) sa Reproductive Health (RH) law ngayong Martes.
 
Ang Medical services company Serve Life CDO at educational institution Rosevale Foundation na parehong nakabase sa Cagayan de Oro City at pinangunahan ng pediatric surgeon Nestor Lumicao ang nagsampa ng pangatlong petisyon kontra RH Law. Kinukwestyon ng mga grupo ang konstitusyonalidad ng mga probisyon ng RH law tungkol sa contraception.
 
"We [are] the first petitioners against RH from Mindanao and the first academic institution as co-petitioner," sabi ng anak ni Lumicao na si Anthony sa isang text message.
 
Isinumite ng nakababatang Lumicao ang 25-pahinang petisyon upang ipatigil ang bagong batas.
 
Ang mag-asawang James Imbong at Lovely-Ann ang unang naghayin ng petisyon noong Enero 2 habang ang Alliance for the Family Foundation ang ikalawa noong Enero 9.
 
Hindi pa nag-aanunsyo ang mataas na hukuman kung kailan sisimulang pag-usapan ang mga petisyon sa RH law na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Disyembre ng nakaraang taon.

vuukle comment

ANG MEDICAL

ENERO

FAMILY FOUNDATION

JAMES IMBONG

KORTE SUPREMA

LUMICAO

MINDANAO

NESTOR LUMICAO

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with