^

Balita Ngayon

Politikong pro-RH, huwag suportahan - obispo

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Hinimok ng isang mataas na opisyal ng Simbahang Katolika ang publiko na iboto nla ang mga kadidatong kumontra sa pagpasa ng kontrobersyal na Reproductive Health Act sa darating na halalan sa Mayo 13.
 
Sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa isang panayam sa radyo na ang paninindigan ng isang politiko sa isyu ng RH law ay dapat gawin nilang isa sa mga panuntunan sa pagpili ng mga bagong lider sa darating na halalan.
 
Ayon kay Bastes, maglalabas siya ng mga panuntunan upang tulungan ang mga tao sa kanyang lugar sa pagpili ng kanilang ihahalal sa Mayo 13.
 
Dagdag ng obispo na kailangan ay binibigyang halaga ng mga kandidato ang buhay, lalo na ng mga hindi pa naipapanganak. Aniya, hindi dapat iboto ang mga politikong pumabor sa RH law gayundin ang mga miyembro ng political dynasties.
 
Ang mga kandidatong may tamang kakayahan, karanasan at sinseridad na tulungang bumangon ang mahihirap ang dapat umupo sa pwesto, sabi pa ng obispo.
 
Nanawagan din si Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa mga residente ng Batangas na maging “pro-life” at huwag iboto ang mga sumoporta sa RH Law.
 
"Beside prayers, I ask from all priests,all faithful and all Batanguenos. Let us declare opposition to RH law.Let paint Batangas red. Batangas is pro-life,pro-family,pro-country at pro-God," sabi ni Arguelles.

ANIYA

ARGUELLES

BATANGAS

LIPA ARCHBISHOP RAMON ARGUELLES

REPRODUCTIVE HEALTH ACT

SIMBAHANG KATOLIKA

SORSOGON BISHOP ARTURO BASTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with