^

Balita Ngayon

Komprehensibong programa para sa mga buntis, isinulong

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Isang mambabatas ang naghayin ng isang panukala upang bigyang kahalagahan ang mga empleyadong buntis na mapanatili ang kanilang trabaho sa panahon ng kanilang pagbubuntis at maisulong ang tungkulin sa pagtataguyod ng bansa.

Ayon kay Laguna Rep. Maria Evita Arago, ang House Bill 6691 ay binibigyang karapatan ang mga buntis na makakuha ng medical leave isang beses sa isang buwan upang makapag konsulta sa doktor bukod pa ito sa mga pribilehiyong  nakukuha sa umiiral na batas.

“Pregnant women who are employed will enjoy the benefit of medical leaves once every month for pregnancy-related medical consultation,” sabi ni Arago.

“But the pregnant woman should have previously furnished her employer a medical certificate confirming her pregnancy and the ailment or affliction she might be suffering from is a result of her pregnancy,” dagdag ng mambabatas.

Nakasaad sa panukala na kailangan ay makagawa ang Department of Health ng komprehensibong programa para sa pangangalaga sa kalusugan ng buntis at kailangan ay magkaroon ng flexible working hours ang buntis basta’t hindi ito makakaapekto sa indibidwal at sa pagiging produktibo nito.

Isa pa sa probisyon ay ang isang buntis na masasabing nasa poverty line ay bibigyang tulong ng Department of Social Welfare and Development.

ARAGO

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HOUSE BILL

ISA

ISANG

LAGUNA REP

MARIA EVITA ARAGO

NAKASAAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with