10 opisyal ng Aman Futures kinasuhan dahil sa pyramid scam

MANILA, Philippines – Sampung opisyal ng investment firm na Aman Futures Group Philippines Inc. ang kinasuhan nang dahil sa kontrobersyal na P12 bilyong pyramid scam noong nakaraan taon, ayon sa Department of Justice.

Sa isang press conference, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na naghain na ng two counts of syndicated estafa ang mga prosecutor ng DOJ sa Pagadian City Regional Trial Court laban kina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez at  Lurix Lopez.

Hindi naman nasama sa kinasuhan ang Aman Future's counsel at corporate secretary na si Isagani Laluna dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Nag ugat ang kaso mula sa reklamo ng limang katao na umano’y naloko ng Aman Futures na nagkakahalaga ng P46 milyon.

Syndicated estafa naman ang isinampa laban kina Nimfa Luna, Darwin Wenceslao at Dona Coyme dahil sa naulat na pagsalungat sa siyam na investors ng P24 milyon.

Show comments