^

Balita Ngayon

Vaño itinalaga bilang bagong Western Mindanao commander

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal na itinilaga ni Philippine National Police Director General Alan Purisima ang dati niyang operation officer bilang bagong Western Mindanao police commander ngayong Huwebes.

Kinuha ni Chief Supt. Juanito Vaño ang pwestong iniwan ni Chief Supt. Napoleon Estilles sa isang pormal na turnover ceremony na pinangunahan ni Purisima sa Camp Abendan sa baranggay Mercedes.

Noong nakaraang buwan ay iniangat ni Purisima si Estilles bilang PNP director for plans and programs.

Kinilala ni Purisima si Estilles dahil sa kagitingan nito sa pagtatanggal ng mga palpak na pulis sa Western Mindanao sa loob ng kanyang 11 buwan sa pwesto. Nakatanggap si Estilles ng “Medalya ng Katapatan.”

Hinimok ni Purisima Vaño na ipagpatuloy nito ang programang sinimulan ni Estilles at siguraduhin ang kapayapaan at kaayusan sa lugar na nasa ilalim ng Police Regional Office (PRO) 9.

“As the new PRO9 director and my alter ego I’m assured that he will not fail in bringing peace that is conducive for local, foreign investment and travel,” pahayag ni Purisima.

Dumalo din si Former Interior and Local Government for Police Matters Undersecretary Rico Puno na ipinakilala ni Purisima bilang susunod na kalihim ng agrikultura.

CAMP ABENDAN

CHIEF SUPT

ESTILLES

JUANITO VA

NAPOLEON ESTILLES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

POLICE MATTERS UNDERSECRETARY RICO PUNO

PURISIMA

WESTERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with