^

Balita Ngayon

Deboto ng Sto. Niño dumadagsa na sa Cebu City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Unti-unti nang nagdadatingan ang mga deboto ng Sto. Niño sa lungsod ng Cebu mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa selebrasyon ng Sinulog festival.

Isa ang seaman na si Cornelio Dablio Jr., na mula ng Cagayan de Oro ang nakipila sa Basilica Minore del Santo Niño upang mahalikan ang imahe ng batang Hesus noong Lunes. Aniya, pumunta siya ng maaga upang maiwasan ang buhos ng tao sa Basilica.

"Last year taas gyud kaayo ang linya para mo hawok ni Sto.Nino,mao karon ni advance lang pud ko (We had to fall in very long lines last year just to kiss the image so I decided to come earlier this year)," sabi ni Dablio.

Dagdag ng mandaragay na inimpluwensyahan siya ng kanyang pamilya na maging deboto. Naging tradisyon na ng pamilya ang pagbisita sa Cebu tuwing Enero upang magbigay parangal sa batang Hesus.

"Wala rako nag hangad og miracle, pero love man nako si Sto.Nino mao inig pista sakripisyo gihapon ko og linya (I do not yearn for a miracle, but I love the Sto. Niño so I sacrifice falling in line)," ani Dablio.

Noong Lunes din dumayo ng Basilica ang pamilya ni Zenaida Jimenez mula ng Laguna.

"Nagkataon talaga na bakasyon namin, kaya pumunta kami dito at nagpa-misa (It so happened we are on vacation here so we decided to offer a mass)," sabi ni Jimenez.

Sinabi naman ng tinder ng kandila sa Basilica na si Henera Artepuerto na karamihan sa mga nagpapadasal ay mga taga Maynila.

"Mga 20 ka tuig nako nga nag ingon ani, basta hapit na pista daghan gyud magpa sinug, karon kasagaran mga Tagalog (I’ve been doing this for 20 years and more devotees would ask me to dance to the child Jesus at this time of the year. Many of those who have sought my services were Tagalog)," ani Artepuerto.

Magsisimula ang Sinulog sa susunod na Huwebes kung saan unang gagawin ang pagpu-prusisyon ng naka paa na tinatawag na “Walk with Jesus” na mag sisimula sa Fuente Osemeña Rotunda sa alas-4 ng umaga.

Sa Enero 14, 16, at 17 ang nakatakdang pagdating ng mga ibang delegasyon sa Cebu mula sa iba’t ibang bansa.

BASILICA MINORE

CEBU

CORNELIO DABLIO JR.

DABLIO

FUENTE OSEME

HENERA ARTEPUERTO

HESUS

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with