Mas maraming deboto ng Black Nazarene inaasahan sa Miyerkules
January 7, 2013 | 2:35pm
MANILA, Philippines – Inaasahan ng mga Simbahang Katolika na mas maraming deboto ang tutungo ng Quiapo, Maynila upang lumahok sa tradisyunal na prusisyon para sa Itim na Nazareno sa Enero 9.
Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na kada taon ay lumulobo ang bilang ng mga taong dumadagsa upang humingi ng tulong sa panginoon sa pamamagitan ng Itim na Nazareno.
"Marami talagang tao ang hirap at naghahanap sila ng karamay sa kanilang kahirapan, at nakikita nila sa Hesus Nazareno na talagang Diyos na nagkatawang tao at naghirap na kasama nila," pahayag ni Bacani sa panayam sa Radyo Veritas.
Idinagdag ni Bacani na kaya maraming deboto ang tumutungo sa Itim na Nazareno ay dahil natutupad ang kanilang mga kahilingan.
"Talagang natutugunan ang kahilingan ng marami. I think that's the reason kung bakit lalo dumadami ang bilang ng mga deboto ng Hesus Nazareno," sabi ni Bacani.
Samantala, nanawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa gobyerno na huwag manakot sa pamamagitan ng paglalabas ng pahayag tungkol sa mga bomb threats upang sirain ang selebrasyon.
Itinuro ni Cruz si Pangulong Aquino na nag anunsyo ng bomb threat noong nakaraang taon.
"Noong nakaraang taon, ginulo yan ng Pangulo at sinabi na may bomb threat... At pagkatapos ay pinapatay lahat ng mga line ng cellphone...Noon pa tinatanong ko na, kung may bomb threat? Bakit di mo hanapin? At kung mayroon na armed terrorist na ganun bakit di mo hanapin? Bakit ilaladlad mo sa buong mundo? Precisely, you should keep that confidential so that you can trace it out," sabi ni Cruz.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest