^

Balita Ngayon

CCTV operator ng Rockwell tumestigo sa Anikow murder case

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Tumestigo na ang closed-circuit television (CCTV) camera operator ng Rockwell Center sa lungsod ng Makati ngayong Huwebes sa patuloy na pagdinig sa kaso ng pagpatay sa Amerikanong Marine na si George Anikow sa Makati City Regional Trial Court Branch 59.
 
Sinabi ni security officer Leo Puri na ang halos dalawang oras na video na nakuha ng dalawang CCTV camera ng Rockwell sa pambubugbog at pagsaksak na ikinamatay ni Anikow noong Nobyembre 24 ay kapareho ng footage na nasa main CCTV hard drive ng Rockwell Center.
 
Aniya, ang digital video disc (DVD) na iniharap sa korte ay kapareho ng disc na kuha sa insidente na ipinasunog ng nakakataas niyang opisyal na si Damasino Dosohan.
 
Naunang tumestigo si Dosohan sa korte at sinabing una nang humingi ng kopya ang pulis Makati.
 
Ipinaliwanag ni Assistant City Prosecutor Hannah Arriola kay presiding Judge Winlove Dumayas na hindi maaaring isalang sa korte ang hard drive ng Rockwell Center CCTV system dahil maaantala ang operasyon ng CCTV sa lugar.
 
Hiniling din ni Arriola sa korte na kung maaaring mapanood ng prosekyusyon at depensa ang orihinal na kuha ng CCTC sa security room ng Rockwell Center sa Lunes ng umaga. Pumayag naman si Judge Dumayas.
 
Sa huling pagdinig sa kaso noong nakaraang buwan, sinubukang isalang ng prosekyusyon ang kuha ng CCTV na kinopya ni Puri ngunit kinwestyon naman ito ng depensa kung ito ay tunay kaya naman iniutos ni Judge Dumayas na isalang sa korte ang hard drive ng CCTV na naglalaman ng orihinal na kuha ngayong Huwebes.
 
Sinabi ni Arriola sa mga mamamahayag na ang kuha ng CCTV ang siyang magdidiin sa mga suspek na sina Juan Alfonso Abastillas, 24; Crispin Dela Paz, 28; Osric Cabrera, 27; at Galicano Datu III, 22, na mag aaral ng De La Salle University na pumatay sa 41-anyos na si Anikow, asawa ng isang Amerikanang diplomatiko na naka base sa Maynila.
 
Noong nakaraang linggo, hiniling ng mga akusado na payagan silang magpiyansa dahil mahina naman daw ang ebidensya laban sa kanila.
 
Sumagot si Arriola at sinabing may sapat na ebidensya ang prosekyusyon at saksi upang idiin ang mga akusado sa kasong murder.
 
“Let’s view the original footage. The prosecution has nothing to hide. The CCTV footage is vital to the prosecution,” ani Arriola. Mike Frialde

AMERIKANONG MARINE

ANIKOW

ARRIOLA

ASSISTANT CITY PROSECUTOR HANNAH ARRIOLA

CCTV

CRISPIN DELA PAZ

JUDGE DUMAYAS

ROCKWELL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with