Pulis comatose matapos tumalsik sa motor
January 3, 2013 | 3:33pm
MANILA, Philippines – Dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, isang kilalang pulis ng lungsod ng Kidapawan ang ngayo’y comatose matapos mabangga noong bagong taon.
Nasa ospital ngayon ang chief senior police executive officer ng Kidapawan City Police Office na si SPO4 Rene Presno at comatose dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Minamaneho ni Presno ang kanyang motorsiklo sa Baranggay Singao nang mabangga siya ng isa pang motorsiklo sa bandang likuran, ayon sa mga imbestigador.
Mabilis na tumakas ang nakabangga at iniwan si Presno at mga angkas nito.
Kilalang pulis si Presno dahil sa pangunguna sa pag-aaresto sa maraming pinaghahanap na kriminal, tulak ng droga, at suspek sa pambobomba sa lungsod. Nakatakda na sana siyang magretiro ngayong taon.
Sinabi ng isang saksi na walang suot na helmet si Presno at noong nahulog ay unang tumama ang ulo niya sa sementadong kalsada.
Umagos ang dugo sa tainga at ilong ni Presno habang dinadala siya sa ospital ng mga rumespondeng miyembro ng Kidapawan City Volunteer Emergency and Rescue Group.
Ang kasama ni Presno na sina Felicitas at Nelia Libawan ay dinala rin sa ospital.
Sinabi ng asawa ni Presno na si Lorva na patungo sila sa bayan ng Antipas para sa isang family reunion nang mangyari ang aksidente.
Hindi pa rin nakikilala ng mga pulis ang taong nagmamaneho ng motorsiklong nakabangga sa pulis.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended